Di ko dati magets kung bakit bumibili ang mga lalaki neto. Aksaya sa pera. Yun naiisip ko.
Di ako bumibili ng mga magazine kasi sayang sa allowance ko. Dati lang nung first year high school ako, nagpasubscribe ako ke papa sa national geographic at reader's digest. Kasi masarap basahin. May laman.
Si mama, bumibili ng magazine ng tungkol sa pagkain. Si papa, tungkol sa health ang pinipili. Si ate, yung fashion magazine o patungkol sa stars...
Minsan, nakita ng tito ko na binabasa ni ate yung magazine niya. Sabi niya, "bibili na nga kayo ng magasin, mga damit at bag pa...sayang lang". Tulad din ng pagsabi niya nung nanonood ang tita ko ng paggawa ng chocolate desert sa food channel, "manonood na rin lang kayo, yan pa... ilipat mo nalang sa discovery channel"...
Iba iba ang interes ng mga tao. Mahilig magluto at magbake si mama kaya sha bumibili ng food magazines. Si papa, inilalagay niya yung mga magazine sa gym namen dati. Si ate, ewan ko ba... di ako yung tipo na bibili ng fashion mag...
Kung may budget para dun, siguro national geographic o reader's digest pa din.. Kung may extra, ok lang saken yung mga interior designs na magazines. dahil plinaplano ko ang magiging bahay kosa pagdating ng panahon. Pero nakikitingin nalang ako sa mga binibili ni mama at ni tita.. at sa libre... hahaha
Tulad nga ng sabi ko, iba iba ang interes ng mga tao. Kaya dapat yata di na ko nagtataka kung bakit bibili ang lalaki ng magasin ng boldstars. Nakakatulong siguro yun.. Pag-nag-iisa. haha. Nagsosolo. Naisip ko din, baka panget at/o di sexy ang partner nila, kaya kelangan yun. Makakatulong. Anu pa kaya? Di mo naman masabing for the sake of art yun... kasi kung art din lang, di ganung nudity ang pipiliin mo.. Anu pa kaya? Anu pa nga bang rason? Magreak lang kayo dito sa baba.. pwede naman anonymous eh, kaya ok lang.. share niyo saken. hahaa