una kong napansin si S nang sinigawan niya ang nanay niya. napatingin ako. hindi pa kami ang in-charge sa kanya non pero nababalitaan ko na masungit talaga siya.
nang magrotate na kami, at siya na ang isa sa aming pasyente. hindi ako nagtaka kung bakit siya ganoon. masungit. iritable. kung ako man siguro ang may ganon, tiyak mas masungit pa ko sa kanya.
yung isa kong kaklase, napagalitan ni S dahil mali ang paglagay niya ng unan. baligtad daw kasi, hehe. ako naman, paglapit ko palang, sabi agad saken, "ATEE! yung electric fan ko natatakpan mo!"
sunget noh?
kapag kinukunan namen sha ng vital signs, kelangan maganda ang approach mo... para di sha magalit. minsan natatakot ako magmonitor... hehe. minsan, sabi ko, "pasensha na ha, kelangan kita imonitor, di kita sasaktan". hehe, oo nakakatawa, shempre di naman masakit, pero kasi, onting pressure lang minsan, nagwawala na siya sabay ang pag-iyak.
minsan, pinaayos niya ang unan niya, eh sa paglipat ko ng unan, nasagi ko ang kamay niyang may swero. hindi malakas, parang na-touch lang kumbaga ang kamay niya. umiyak ba naman at sumigaw na masakit daw. nag-iba ata ang ichura ko nun, nanlaki nanaman siguro ang mata ko at nagpanic kaya natawa ang tatay ni S. sabi na lamang niya saken, "pasensha ka na, siguro di nalang niya alam kung pano i-express ang lungkot at sakit na nararamdaman niya kaya kahit onti lang, nagrereak na siya". sabi ko ok lang yun.
ok lang.
ok lang. siguro, kung ako ang may malaking tumor na mas malaki pa sa ulo ko, mas masungit pa ko. nakakalungkot, lalo na, bata pa siya, labing anim taong gulang.
malignant ang sakit na yun. masakit talaga yun dahil ang tumor na tumutubo ay matigas, kasi katulad ng buto ang tumutubong iyon. lalo na, ang lokasyon ng tumor ay nasa may kilikili... pano ka na nun. di na niya maibaba ang kamay niya sa laki. madaming mga structures sa katawan ang naiipit, kaya nahihirapan siya huminga, kaya namamanhid na ang kamay niya... madugo din yun, kasi maraming ugat ang nagfoform sabay ang paglaki ng tumor. kaya naman pag pinapalitan siya ng dressing, bumubulwak ang dugo galing dito. bulwak talaga, as in projectile. binabaha ang kama niya ng dugo.
hindi madali ang desisyon kung pano siya imamanage. nagpatawag ng junta para pag-usapan ng committee kung pano na ba ang plano para sa kanya. sa huli, ang plano ay putulin na ang kamay niya, mula sa may balikat (forequarter amputation). pero bago yuon, kelangan muna siyang magradiation, para mas maganda ang pagresect o pagtanggal ng tumor niya.
nakakalungkot diba. palliative nalang yun. nabasa ko na ang surgery plus radiation ay magibibgay lang ng 10-20% 2-year survival rate? oo ganun kalala ang ganung klaseng tumor... mabilis lang lumaki, mabilis kumalat. pwede rin magchemotherapy, tumataas nag survival rate hanggang 60%. nasubukan na ni S yung chemotherapy, radiation.. pero umuulit lang ang bukol hanggang sa lumaki ng lumaki.
nung huli ko syang namonitor, iritang irita siya, kasi pinasukan siya ng tubo mula sa ilong papunta sa tiyan (NGT), para dun siya pakainin, pangit na kasi ang nutrition status siya. ayaw niya magpamonitor kasi nahihirapan na daw siya, sabi niya "baka mamatay nako bago pa tanggalin eto"... yun lang ang huli kong pagkita sa kanya...
nasa derma na kami... at nabalitaan namen na wala na si S. namatay daw after niya magradiotherapy.
nakakalungkot.