20081208

sa kabilang tenga

nuon parang walang araw na di ako napagalitan. onting mali, galit. kahit di mo naman intensiyon o sinasadya, mapapagalitan ka. biro mo nung maliit ako, ambigat kasi ng pitsil namen, e napatapon ng onti ang tubig nang nagsasalin ako sa baso ko. pinagalitan ba naman ako! anu ba naman daw.. pati pa dati, nagbabasa ako ng pocket book... pinagalitan ba naman ako, wala na daw ginawa kundi magbasa, e kung tumulong na lang daw sa tindahan. bawal pa manood ng tv at maglaro! kasi maingay daw. 'anu ba naman' daw.

araw araw tuloy nuon, goal ko na di mapagalitan. oo, kahit minsan nagtatago o tinatago ko ang ibedensha ng pagkakamali para lang di mapagalitan. haha. nakakatawa, pag malapit na umuwi galing sa trabaho ang mga magulang ko, magliligpit na ko ng kalat. o dapat naitapon ko na ang nabasag na kung anuman. o kaya, pa-impress pa na magsaing na ng kanin.

habang tumatanda ako, minsan pinalalabas nalang sa kabilang tenga ang mga pasabing 'anu ba naman'... nababadtrip ako kasi pwede namang sabihin nang maayos na mali ang ganto, na dapat ganun... di naman kelangang madahas.

ayoko ng masungit. di naman lahat ng pagkakamaling nagawa sa kanila e sinasadya. di nga plinano. walang itensyon. magalit ka at magdrama ka kung alam mong may pakay talaga yung taong yun na gumawa ng masama. pano kung poor reflexes lang pala o poor coordination lang ng katawan yun, kasalanan na ba yun... o kung mejo mahina lang pala ang utak o di niya alam ang isang bagay na alam mo, kasalanan na ba ang magtanong?

nakakainis din minsan kasi di nila magets kung bakit ka naiinis sa kanila sa kasungitan nila. pero siguro nga tayo nalang mga nakakaintindi ang dapat mag-adjust. siguro di nila alam na nang-ookray na sila ng buhay ng iba. siguro innate na talaga ang kasungitang iyon na di nila napapansin na nakakasakit sila. kaya mainam siguro na palabasin nalang nang palabasin sa kabilang tenga ang 'anu ba naman'g yaan.