kapag mahal ka ng isang tao may effort. hindi sapat yung sinasabing "e kasi ganun na ako" o yung "ako to". siyempre tama din namang mahalin kung sino pa siya. pero di ibig sabihin di ka gagawa ng effort para naman mapasaya siya. kasi dun niya nararamdamang mahal mo siya.
sabi nga ni andy garcia sa when a man loves a woman: "i'm scared, so i have to do things to show you how much i love you". panis! corny na kung corny pero ganun yun.. wag ka kumontra sa opinyon ko.
suporta din. kahit sa maliliit na bagay. yung simpleng pag goodluck o kaya naman pagbasa ng mga sinusulat niya. o pagcomment sa mga artworks niya. o kahit yung tignan mo manlang yung mga gawain niya.
sa sassy girl naman, ewan di ko maalala. basta binabasa nung lalaki yung mga sulat nung babae kahit weird ang kwento. yun yung suporta.
pag may effort at suporta. ayus. kaye diba?
panu paba mapapakita yung pagmamahal?