wala naman.
minsan iniimagine ko na kinukumusta ako paminsan minsan...
minsan nakakalimutan ko na yung feeling na may nag-aalaga saken. tinuruan kasi nila akong maging tough. pero ngayong mga panahon na to.. naiiyak nako...
wala akong kasama.
kelangan ko tuloy bumangon para magpalaba at maglaba. kelangan bumangon para bumili ng gamot. kelangan ko bumangon para magkalaman ang tiyan.
mahirap kaya mag-TSB (tepid sponge bath) ng sarili kapag masakit ang bawat kalamnan ng buong katawan at giniginaw. saka papasok kinabukasan nang 5:30AM para mag-duty... paakyat baba mula first hanggang 5th floor hanggang sa extension ng ospital para marelieve ang sakit ng tiyan o sakit ng ulo o ng lagnat ng mga pasiyente.
kamote.