Ilang taon ko na pinapangarap ang magkaron ng DSLR. Pero alam ko din na ilang taon ko pa yun papangarapin.. o baka hindi... hindi ko na alam... inaagiw na sa tagal ang pangarap kong yan. Kalungkot naman.
Pagdating ng ilang mga buwan, mangangarap din ako magkaron ng iPhone kasi panalo sa medicine rotation yun, pangcompute ng arterial blood gas parameters at pangdiagnose.
Ngayon pinakagusto ko naman magkaron ng teleponong may wifi, qwerty keys, at camera. Panalo na ang telepono ko ngayon, camera lang ang kulang. Siguro kung meron na, malilimutan ko ang inaamag kong pangarap na DSLR. Dahil libre mangarap, blackberry ang gusto ko. Yay!